Home » Archives » 02. January 2010
"...Hate the sin, not the sinner..."

Welcome to my personal Blog! Feel Free, post a comment and enjoy!

It’s 2010!

January 2, 2010

Okay, its 2010 already! HAPPY NEW YEAR! well, kinda sad right now, bakit naman hindi sa 100 wishes/plans ko for 2009 39.5% lang ang natupad… I’m not complaining ha inexpect ko lang na mas mataas sana ang nakuha ko, well anyway enough of that focus tayo sa 2010!

For this year, hindi na ko gumawa ng time capsule. Una, tinatamad ako, pangalawa andami masyado ng sang daang hiling tapos sa bandang huli di naman natutupad, siguro hahayaan ko nalang mga bagay bagay na mangyari ngayong taon, basta ang alam ko punong puno ako ng positive energy ngayong taon na to and that is very good to hear right? 

 I promised to myself na kailangan i-enjoy ko tong taon na to whether makabalik o hindi sa University of Santo Tomas, na kahit anong mangyari extreme experiences parin ang mangingibabaw at hindi bitterness nagyong taon, basta whatever what’s in store for me I’ll just accept it nalang kahit na ang ACCEPTANCE ay isa sa nagpapahirap sa buhay ko. (DRAMA?) 

Isa pa pala, gusto ko itransform (parang auto-bots) ang sarili ko, gusto ko maging mature na, gusto ko beyond the borders na ko this year, without limitations kung baga. pero pano ko gagawin yun? let’s see may remaining 12 months pa. Ito na siguro yung point na kailangan ko na mag-seryoso para seryosohin din ako, CHANGE IMAGE kung baga. Dati lagi akong nagbibiro or something like that ang resulta  nagmumukha na kong non-trust-worthy friend (basta akin nalang yun).

 Excitement ang nararamdaman ko ngayong 2010, kung nagkanda leche leche buhay ko nitong 2009 ano naman kaya ngayong 2010, lalo’t higit pa na hindi ko pa alam kung saang school ako dadamputin whatever school wins it would most likely twist and shake my whole life. Kinakabahan ako that’s for sure. Naguguluhan ako as of now. Ayokong isipin at pag usapan pero kailangan.

 Once again, Happy New Year Everyone!  

Posted by iceaguila at 10:34 pm | permalink | Add comment